Monday, August 22, 2011

Ang Kapaligiran at Likas na Yaman ng Asya



               Ang likas na yaman (tinutukoy sa ekonomika bilang yamang lupalupain o hilaw na materyal) ay likas na nagkakaroon sa loob ng mga kapaligiran na hindi gaanong ginagambala ng tao, sa isang likas na anyo. Kasalasang binibigyan ng katangian ang likas na yaman sa laki ng kaibahan ng biyolohika na mayroon sa iba't ibang mga ekosistema.
               Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina,IndiaMesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang IndianDagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.


Ang Heograpiya ng Asya




Mga Anyong-lupa
                  Bilang pinakamalaking kontinente sa buong
mundo, matatagpuan sa Asya ang iba't ibang
anyong-lupa


1. Bundok at Bulubundukin - ang bundok ay
ang anyong-lupa na nakaangat mula sa lebel
ng dagat ( sea level ) at may taas na umaabot sa
Ang tuktok ng Bundok Everest
mahigit 2 000 talampakan. Ang mahabang
hanay ng mga bundok ay tinatawag na
bulubundukin. Matatagpuan sa Asya ang
naglalakihang bulubundukin. Pinakatanyag
sa mga ito ang Himalayas na bumabagtas
mula Pakistan hanggang Myanmar. Sa
bulubunduking ito matatagpuan ang Bundok
Everest, ang itinuturing na pinakamataas na
bundok sa mundo. Katabi ng Himalayas ang
bulubunduking Karakoram. Sa daawang
bulubunduking ito matatagpuan ang halos
lahat ng pinakamataas na bundok sa daigdig.
Ang iba pang mahalagang bulubundukin sa
Asya ay ang Altai, Kunlun, Tien Shan, Hindu
Kush, Zagros, Caucasus, at Ural.


2.Bulkan - ito ay biyak sa ibabaw ng lupa
kung saan dumadaloy ang maiinit at tunaw
Ang Bundok Fuji sa Japan
na mga bato na tinatawag na lava o kung
saan nagmumula ang makapal na alikabok sa
pagsabog nito. Dahil sa mga pagsabog, daloy
ng lava, at pagtatapon ng alikabok, karaniwan
sa mga bulkanay nakabubuo ng hugis-
balisungsong o hugis-apa na bundok, tulad
ng Fuji sa japan at Mayon sa Pilipinas--dalawa
sa mga kilalang bulkan sa Asya. Ang iba pang
tanyag na bulkan sa Asya ay ang krakatoa
at Tambora sa Indonesia. Ang Bulkang
Pinatubo naman sa Pilipinas ang nagtala ng
pinakamapanirang pagsabog nitong huling
siglo.


Chocolate Hills ng Pilipinas
3.Burol - ito ay isang nakaangat na anyong-lupa
na mas mababa kaysa bundok at karaniwan
ay bilugan. Ang rehiyon ng Kwangsi sa timog
China ay kilala dahil sa kamangha-mangha
niton mga burol. Tanyag din ang Chota
Nagpur sa India dahil sa mga burol nito
na inukit ng ulan mulanoong panahong
prehistoriko.


=-=-► Dahil naman sa traahedyang dulot ng
Digmaang Koreano, ang mga burol sa mga 
liblib na lugar sa Tangway ng Korea ay
nagkaroon ng mga pangalang tulad ng mga
sumusunod: Bunker Hill, old Baddy, Sniper
Ridge, Capitol Hill, Triangle Hill, Pike's
peak, Jackson Heights, at Jane Russell Hill.
Nagsilbing dambana ang mga burol na ito
ng libu-libong sundalong Amerikano na
nakioaglaban sa Digmaang Koreano.



4. Kapatagan - ito ay pantay at malawak na
anyong-lupa. Karaniwan sa mga kapatagan
ay malapit sa mga baybayin. Ang mga
kilalang kapatagan sa Asya ay matatagpuan
sa kanluran at hilaga ng Siberia (Russia),
silangang baybayin ng China, silangang
bahagi ng Tangway ng Arabia, at gitnang
bahagi ng Indochina.


5. Talampas - ito ay may lawak na kapatagan
sa tuktok ng isang mataas na anyong-lupa.
Ang mahalagang talampas ng gitnang Siberia (Russia),
Mongolia, Tibet, Deccan (India), at Turkey.




Ilog Huang He o Yellow River
6. Lambak at Lunas ng Ilog - ang lambak
ay kapatagang halos napalilibutan o
napagigitnaan ng bulubundukin. Karaniwan
sa mga lambak ay mga lunas ng ilog o river
basin, isang mababang lugar kung saan
umaagos ang ilog. Ang mahalagang lunas
ng ilog ng Asya ay ang Indus sa India at
Pakistan; Huang He at Yangtze sa China;
Irrawaddy sa Myanmar; Chao Phraya sa
Thailand; at Mekong na dumadaloy mula
Tibet hanggang Vietnam

7. Interyor ng kontinenete - kalakihan ng
kalupaan ng Asya ay matatagpuan sa interyor
ng kontinete. Halos lahat ng matatayog na
bulubundukin ng Asya ay nasa interyor o
malayo sa baybayin. Sa katunayan, maraming
bansang Asyano ang hindi napalilibutan o
hinahangganan ng dagat o karagatan tulad ng
Laos, Mongolia, at Nepal.

8. Baybayin - ito ang tawag sa mga anyong-lupa
na malapit sa dagat. Maraming kapatagan sa
Asya ang malapit sa baybayin.

9. Tangway - ito ay kalupaang nakausli sa
dagat at halos napalilibutan ng tubig. Ang
mahalagang tangway ng Asya ay ang mga
tangway ng Arabia, India, Malay, Indochina,
at Kamchatka.

10. Isthmus - ito ay isang makitid na lupain na
nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa dalawang
malalaking kalupaan. Isang halimbawa nito
ang Isthmus ng Suez na nagdurugtong sa mga
kontinenteng Asya ng Afrika.

11. Pulo - ito ay isang lupaing napalilibutan
ng tubig. Maraming pulo ang matatagpuan
sa Asya. Kabilang sa mga ito ang Honshu
at Hokkaido sa Japan; Sumatra at Java sa
Indonesia; Luzon at Mindanao sa Pilipinas;
at Borneo na pagmamay-ari ng mga bansang
Indonesia, Malaysia, at Brunei.

12. Kapuluan o Arkipelago - ito ay pangkat ng
mga pulo. Ang mga bansang Japan, pilipinas,
Indonesia, at Maldives ay mga kapuluan.
Pinakamalaking arkipelago sa buong mundo
ang bansang Indonesia na tinatanyang mayroong
mahigit 13 000 pulo.



Mga Anyong-tubig
              Ang mundo ay may mahigit na 70%
katubigan. Ang kontinenete ng Asya ay hindi
lamang napalilibutan ng malalawak na karagatan,
marami ring anyong-tubig na matatagpuan sa
looban nito.


1. Karagatan at Dagat - ang mga ito ay
malawak na katubigang-alat. Sa hilaga ng
Asya matatagpuan ang Karagatang Arktiko.
Malaking bahagi ng Karagatang Arktiko
ang permanenteng nagyeyelo. Karugtong ng
karagatang ito ang mga dagat ng silangang
Siberia, Laptev, Kara, chukchi, at Barents.
             Sa katimugan ng Asya matatagpuan ang
Karagatang Indian. Karugtong ng Karagatang
Indian ang Red Sea. Makikita naman sa
silangan ng Asya ang Karagatang Pasipiko,
ang pinakamalawak at pinakamalalim na
karagatn sa buong mundo. Ito ay may lawak
na 165 384 000 kilometro kwadrado.
Karugtong ng Karagatang Pasipiko
ang mga dagat ng Timog China,
Silangang China, Japan, Okhotsk, at Bering.
Sa hilagang-kanlurang bahagi ng Karagatang
Pasipiko matatagpuan ang Marianas Trench. Ito
ang pinakamalalim na bambang sa daigdig.

 Kahabaan ng Ilog Hunag He
2. Ilog - ito ang anyong tubig na dumadaloy mula
sa mataas na lugar tulad ng bundok pababa sa
lawa o dagat, o kaya ay sumasanib sa iba pang
mas malaking ilog. Sa Asya, ang mga kilalang ilog
ay ang Ob, Yenisei, at Lena sa Russia; Yangtze at
Huang He sa China; Ganges sa Hilagang India at
Bangladesh; Indus sa bandang Tibet, India, at
Pakistan; Brahmaputra sa Bangladesh; Tigris sa
bahaging Turkey at iraq; Euphrates sa bahaging
Turkey, Syria, at iraq; Irrawaddy at Salween sa
Myanmar; at Jordan sa Syria, Israel, at Jordan.

Lawa Baikal ng Russia
3. Lawa - ito ay malawak na anyong-tubig na
nakukulong ng lupa. May dalwang uri ng
lawa, ang maalat at ang tabang. Maraming
malalawak na lawa na may tubig-alat at
napagkakamalang dagat. Halimbawa ng mga
ito ang mga dagat ng Dead, Aral, Caspian, at
Black. Samantala, ang Lawa ng Baikal naman
sa Siberia sa Russia ang pinakmalawwak at
pinakamalalim na lawang tabang sa mundo

4. Kipot - isa itong makitid na katubigan na nag-
uugnay sa dalawang mas malaking anyong-
tubig. Ang kipot ng Bering (Russia) ay nag-
uugnay sa mga dagat na Bering t Chukchi.
Ang Kipot nga Malacca (Malaysia) naman ay
nag-uugnay sa Karagatang Indian at Dagat
Golpo ng Persia
Java.

5. Golpo - ito ay malawak na
karugotng ng dagat. Ang kabuuan ng golpo
ay halos napaliligiran ng kalupaan. Sa Asya,
tanyag ang Golpo ng Persia dahil sa langis na
nakukuha rito. Ang iba pang kilalang golpo sa
Asya ay ang Tonkin, Aden, oman, at Thailand.




6. Look - ito ang kabaligtaran ng golpo. Ang look
ay hindi gaanong napaliligiran ng kalupaan.
Ang pinakamalaking look sa Asya ay ang look
ng Bengal na humhati sa rehiyon ng Timog
at Timog-Kanlurang Asya.





"Ipagmalaki ang ating yaman"

Ang ating bansa ay pinagkalooban ng mga likas na yaman. Gaano nga ba kahalaga ang mga ito? Magmula sa lupa hanggang sa katubigan ay marami tayong mapapakinabangan. Ang mga matataas na puno sa kagubatan ay tunay na mahalaga. Marami itong mapaggagamitan. Pati na rin ang iba’t ibang mga nilalang niya dito lang matatagpuan. Ang ating karagatan naman ay biniyayaan ng maraming laman. Hindi lamang matatabang mga isda ang matutunghayan kundi mga kabibeng nagsisipagkislapan.


Masakit isipin na sa ngayon ay unti- unti na itong naglalaho, kunti na ang dati’y matatayog at malalagong puno, pati na rin ang iba’t ibang klase ng mga hayop. Maging sa ito’y lumilipad o naglalakad. Bihira na rin ang mga lamang –dagat na nahuhuli. Ang mas masahol pa ay tayo ring mga tao ang siyang dahilan ng unti- unting pagkaubos nito. Marami sa atin ngayon ang hindi man lang marunong magpahalaga sa mga biyayang kaloob sa kanila. Marunong lamang magputol subalit hindi alam magtanim. Bihasa lang sa panghuhuli pero hindi alam kung paano magpunla. Totoong masakit itong pakinggan, subalit ito ang katotohanan.

Hindi pa huli ang lahat. Bilang isang kapakipakinabang na mamamayan, marami pa tayong magagawa para maisalba ang ating kalikasan. Ang pagkilos ay ngayon na, habang may panahon pa. Panahon na kung saan may mga puno, iba’t- ibang uri ng hayop at isda pang natitira. Hintayin mo pa bang maubos na talaga ang mga ito?

Halinang magtanim ng maraming puno. Atin ng linangin ang mga lupang tiwangwang at nang ating mapakinabangan. Iwasan ang paggamit ng dinamita at iba pa na nakakasira sa mga buhay sa ilalim ng karagatan. Iwanan na din ang pagmimina na oo nga’t may kasaganaang dala, katumbas nama’y kahindik- hindik na pagbaha. Hindi lamang matinding pagbaha ang maaaring idulot nito, dahil maaari ring mawala ang buhay ng nakararaming tao. Ang panawagan ko sanang ito ay tumatak sa puso’t isipan ninyo, lalong- lalo na sa ating mga pinuno. Gawin niyo sana ang inyong tungkulin na ang kalikasa’y pangalagaan, upang hindi tuluyang malugmok ang pinakaiingat- ingatang yaman na ipinagkaloob at ipinagkatiwala sa iyo, sa akin at sa ating lahat ng ating mapagpalang Maykapal.

3 comments:

  1. pinag-aralan din namin po ito sa kasaysayan ng asya salamat!

    ReplyDelete
  2. anu ano po ba ang matatabang lupa sa asya?

    ReplyDelete
  3. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete